Lakbay Sanaysay sa Haduan Falls
Isang paglalakbay na hinding hindi makakalimutan.
Ang aming guro ay nagbigay ng gawain na kung saan kami ay maglalakbay at ito ay tinatawag na lakbay sanaysay. Kalahati ng aming klase ay nagdesisyon na kami ang magsasama sama sa gagawing lakbay sanaysay kaya naman hindi nakami nagpatumpik tumpik pa kami ay nagplano na. Isa sa aming kasamahan ay nagsuggest ng lugar na kung saan pwedeng maglakbay at ang lugar ay sa Haduan Falls kaya tinignan namin ito sa facebook kung tunay nga bang kalakbay lakbay ang lugar kaya base sa mga letrato na aming nakita maganda ang lugar at napakasayang maglakbay kaya napili namin na dun na maglakbay. Napagdesisyunan namin na kami ay maglalakbay sa araw na agosto 31, 2018 at magkikita kita sa ganap na alas syete ng umaga sa Intersekyon kami ay nagarkela ng sasakyan papunta sa lugar na aming lalakbayin.
Pag dating naming sa lugar kumuha kami ng tour guide dahil hindi naman namin alam ang pasikot sikot ng aming lalakbayin.
Ang saya ng araw na yon sapagkat nakaranas kami ng maraming bagay na di pa namin nararanasan tulad na lamang ng pagkadapa sa putik, pagkadulas sa mga bato at pag akyat sa matirik na bato ngunit kahit na ganun masayang masaya pa din kami at tinatawanan ang kapalpakan ng bawat isa at may mga pagkakataon na kami ay nagtutulongan, naghahawakan ng kamay para malampasan ang daan na aming tatahakin.
Comments
Post a Comment